-- Advertisements --

Welcome development para sa Department of Foreign Affairs ang ceasefire deal ng Estados Unidos sa pagitan ng bansang Iran at Israel .

Ayon sa ahensya , isa itong mahalagang hakbang para matuldukan na ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa sa Gitnang Silangan.

Sa kabila nito ay pinaalalahanan ng ahensya ang mga Pilipino na nasa mga apektadong lugar na manatiling mapagmatyag sa sandaling muling magpatuloy ang kaguluhan.

Sa ngayon ay mayroon paring missile launch sa pagitan ng dalawang bansa habang patuloy na umaasa ang ahensya na matatapos na ang hidwaan na ito.

Kaugnay nito ay tiniyak ng DFA na nananatili silang committed sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong Pilipino partikular na sa mga gustong bumalik ng Pilipinas.