Pinangunahan ng Grupong Alpha Phi Omega- San Carlos City Pangasinan Alumni Association noong June 30, 2025 Sa Bolingit National High School, Barangay Bolingit-San Carlos City Pangasinan ang pamimigay ng libreng gatas.
Ang Alpha Phi Omega-San Carlos City-Pangasinan Alumni Association o APO SACIPAA ay nagsagawa ng Health Care Program mula sa nasabing Paaralan sa pamamagitan ng Pamamahagi ng buwanang supply ng libreng Reliv NOW Milk at food supplements sa mga kwalipikadong mag-aaral sa nasabing Paaralan.
Ito ay pinagunahan ni APO member at teacher sa nasabing School na si Mdm. Rebecca A. Gabriel , guro III/SHS Coordinator sa buong pakikipag-ugnayan kay Mdm. Rica C. Macam, Principal III, Mdm. Sheri Nadia Espino, Punong Guro III at Mdm. Marisa B. Cano-Master Teacher I.
Ang nasabing healthcare program ay pinasimulan ng ALPHA PHI OMEGA-San Carlos City Pangasinan Alumni Association (APO-SACIPAA) sa pamamagitan ni Marlon De Guzman isang OFW mula sa Hong Kong at Retirading Pulis na miyembro ng APO-San Carlos City at mula rin sa RELIV Kalogris Foundation kung saan namgagaling ang libreng Reliv NOW na gatas. Ang humanitarian service na ito ay bahagi ng Alpha Phi Omega’s SERVICE TO THE COMMUNITY na ipinag-utos sa apat na pangkat ng serbisyo ng kanilang organisasyon.