-- Advertisements --

Pumalo na sa 46 katao ang nasawi dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan sa Pakistan.

Halos isang linggo na ang malakas na pag-ulan kung saan maraming mga residente rin ang nasugatan.

Karamihang nasawi ay sa Khyber Pakhtunkhwa province habang maraming residente rin ang pinalikas na dahil sa pagtaas ng tubig.

Maraming mga mamamayan naman ng Pakistan ang nagrereklamo dahil sa mabagal na responde ng gobyerno.

Binalaan pa ng National Disaster Management Authority ang mga residente na malapit sa ilog na lumikas na dahil sa delikadong kalagayan.