CEBU CITY – Umabot sa P70.3-milyong halaga ng hinihinalang shabu at mahigit P1-milyong marijuana ang nakuha ng mga otoridad sa isinagawang tatlong araw na region-wide Synchronized Enhanced Managing of Police Operations (SEMPO) sa buong lalawigan ng Cebu.
Sa isang press conference, inihayag ni Police Regional Office (PRO)-7 Regional Director, PBGen. Albert Ignatius Ferro na nasa mahigit 1-kg ng illegal drugs ang nasakote matapos ang isinagawang operasyon.
Aniya, sa nasabing halaga, nasa 152 mga operasyon ang kanilang isinagawa kung saan 211 drugista ang kanilang naaresto.
Binigyang-diin ni Ferro na posibleng galing sa bansang Myanmar ang mga nasabing iligal na droga kung saan pare-pareho lang ang sinidlan nitong tea bag.
Umabot naman sa mahigit 1,000 marijuana ang kanilang nabunot mula sa mga plantasyon.
Siniguro naman ng heneral na magpapatuloy ang kanilang pinaigting na anti-illegal drug campaign sa buong rehiyon.