Isusulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan na madagdagan at magkaroon ng regular na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para duon sa kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim ng pambansang budget ng sa gayon mas maraming beneficiaries ang makikinabang lalo na ang mga low-income families na layong pasiglahin ang paglago sa tinatawag na “nano” and micro enterprises.
Nakatakdang ihain ni Yamsuan ngayong 20th Congress ang nasabing panukala.
Naniniwala kasi si Yamsuan na ang pagpapalawak sa nasabing programa ay makakabuo ng maraming trabaho.
Binigyang-diin ng Kongresista na ang pag institutionalize sa Sustatinable Livelihood Program (SLP) ay makakatiyak na patuloy na makikinabang ang mga mahihirap at ang vulnerable sector sa ating lipunan na magdudulot ng positibong epekto sa ekonomiya.
Giit ng Kongresista kapag nagtagumpay sa pag unlad ang mga maliliit na negosyo ay magkakaroon ng kakayahang kumuha ng mas maraming manggagawa.
Binigyang-diin ni Yamsuan hindi natatapos sa pagbibigay ng ayuda sa ating mga kapus palad na mga kababayan kundi dapat mabigyan din sila ng skills training at marketing support para sila ay maka ahon sa kahirapan.
At ang SLP ay maaaring epektibong instrumento para maisakatuparan ito.
Ayon pa kay Yamsuan, kapag ginawang permanente at nabuhusan ng pondo ang SLP, makakatulong ito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa pamamagitan ng pagsama sa mga pamilyang “graduate” sa naturang programa.
Batay sa DSWD, ang mga benepisyaryo ng SLP noong 2024 ay aabot sa mahigit 364,416.