-- Advertisements --
Ikinabahala na ngayon ng World Health Organization (WHO) na may ilang mga pagamutan at pasilidad nila ang nadamay dahil sa giyera sa Iran.
Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mayroong 13 mga naitalang pag-atake sa mga pagamutan sa Iran dahil sa pinagsamang military operation ng US at Israel.
Kanila rin biniberipika ang ulat na mayroong mga medics at volunteers ang nasawi at sugatan.
Una ng sumulat sa WHO ang Iran ambassador to United Nation na mayroong 10 pasilidad na ang tinamaan ng military strikes.
















