-- Advertisements --

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na mas pallakasin pa nila ang kanilang pakikipagugnayan sa publiko sa naging pagdiriwang ng 30th Police Community Relations Month.

ang naturang pagdiriwang ay naglalayon na mas palakasin at bigyang pansin ang importansya ng pagtutulungan at pagkakaroon ng tiwala sa pagitan ng mga komunidad at ng mga kapulisan.

Sa kaniyang mga naging paunang pahayag, inihayag ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na ang selebrasyon na ito ay nagsilbing tulay para mas magkaroon ng matibay na komunikasyon ang mga pulis at ang publiko.

Aniya, layunin ng Pambansang Pulisya na tiyaking magiging panatag, ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mga komunidad at ialis sa kapahamakan at karahasan ang publiko.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng sapat na tiwala at makikita ng publiko na ang mga pulis ay kanilang kakampi at kaagapay sa pagppanatili ng mapayapang Pilipinas.

Samantala, muli namang binigyang diin ng hepe na ang pagkakaroon ng mapayapang bansa at mga komunidad ay hindi lamang sumesentro sa mga tungkulin at pananagutan ng mga kapulisan.

Ito aniya ay bunga ng pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan at pagtitiwala ng publiko na siyang nakikitang susi sa mga nais na makamit na pagbabago sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.