Reading Time: 1 minute

Aabot sa P7-milyon halaga ng droga ang nakumpiska sa isang Nigerian national at apat na Pinoy na kasamahan nito sa Quezon City.

Sinabi ni agent Jonar Cuayzon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu ang kanilang nakumpiska sa kustodiya ng mga suspek.

Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan kung may kinaaanibang sindikato ang mga naarestong suspek.

Noong nakaraang taon ay naaresto na rin ng PDEA ang dalawang Nigerian na kasama umano sa drug syndicate mula pa ibang bansa.