Hindi pa masabi ng Malakanyang kung susuportahan o hindi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang gawing ligal ang diborsyo sa Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na aalamin muna ng Pangulo ang nilalamang mga probisyon ng Divorce Bill na naihain sa Kongreso.
Paliwanag ni Castro, karaniwan kasi sa mga probisyong nakapaloob sa panukala ay kasama na sa mga basehan ng legal separation at maging sa grounds ng annulment.
Binanggit rin ni Castro na maging ang simbahan naman ay pinapayagan na ang annulment.
Pero iginiit nito na ang naisin ni Pang. Marcos ay mas paigtingin ang magandang pagsasama ng mag-asawa para rin sa kapakanan ng mga anak.
Muling isinusulong ang panukalang Absolute Divorce sa pagsisimula ng 20th Congress na una nang naaprubahan sa Kamara noong nakaraang Ko