-- Advertisements --

Pinatitiyak ng Pangulo sa PDEA at Philippine National Police (PNP) na agad wawasakin ang mga nakumpiskang iligal na droga sa mga ikinasang operasyon ng sa gayon hindi na ito magamit o ma recycle pa uli.

Kaninang umaga personal na tinutukan ng Pangulo ang sistema Ng ginawang pagwasak sa mga iligal na droga Sa Capas.

Ayon sa Pangulo, sinadya niya talagang tutukan ang sistema mula sa pagkakasamsam ng ipinagbabawal  na gamot, sa testing hanggang sa mailagay na sa incenerator para wasakin ang bulto- bultong illegal drugs.

Binigyang-diin ng Pangulo na nais niyang makasiguro na walang maipupuslit na mga nasamsam na droga at matiyak na itoy sisirain at Hindi na maipakalat para  maibenta.

Kumpiyansa Naman ang Pangulo na sa init na 700 degree Celsius na tinupok na mga drogang isinalang sa incenerator ay mawawasak na nito ang active ingredients ng ipinagbabawal na gamot na nasamsam kabilang dito ang tinaguriang floating shabu 

Sampung oras aniya Itong nakasalang…mag aantay Ng 12 oras para palamigin  ang chamber  at  mai- check Kung napulbos  na talaga ang sunog na shabu.