-- Advertisements --

Aabot sa P3 milyon halaga ng ecstasy tablets at high-grade quality marijuana na kush ang nakumpiska ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasama ng mga pinagsanib ng puwersa ng Bureau of Customs-Port of NAIA Customs , Anti-illegal Drugs Task Force (CAIDTF), the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ay ikinasa ang operasyon matapos na sila ay makakuha ng impormasyon tungkol sa nasabing iligal na droga.

Nakasilid pa ang nasabing mga droga sa loob ng ipinadalang microwave oven at ng buklatin ng mga otoridad ay tumambad ang 1,681 na tableta ng ecstacy na mayroong street value na P2,857,700 at 133 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P159,600 na nakatago naman sa isang metal toy box.

Nanggaling aniya ang nagpadala sa The Netherlands at ang tatanggap daw nito ay naka-address sa Quezon City ang ecstacy habang ang kush naman ay galing sa US na ang consignee ay mula sa Pasay City.

Naipasakamay na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang iligal na droga.