Nasa P1.2 milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang estudyante sa Maynila nitong Martes ng madaling araw.

Sinabi ni Police Lt. Col. Bernard Pagaduan, unang naaresto nila ang isang drug suspek na taga Meycauayan, Bulacan at itinuro ang mga dalawang kasamahan nito.

Nagsagawa agad ang mga kapulisan ng operations at naaresto ang mga suspek sa Ermita, Maynila.

Nasa edad 21 at 22 ang mga naaresto kung saan nasa 200 gramo ang bigat ng droga na nakumpiska sa mga suspek.