CAGAYAN DE ORO CITY – Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 kasama ang ibang law enforcement agencies maging representansyon sa hudikatura ang halos P14 milyon na illegal na droga sa thermal facility ng isang funeral homes na nakabase ng Cagayan de Oro nitong araw.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PDEA 10 regional director Atty. Benjamin Gaspi na ang hakbang na ito ay patunay na hindi nilubayan ng buong gobyerno ang paglaban sa lahat ng illegal drugs na patuloy na banta para sa kinabukasan ng bansa.
Inihayag ni Gaspi na umaabot sa mahigit 1,500 grams ng shabu habang ang marijuana ay tumimbang naman sa 18,200 grams na mayroong market value na halos 14 milyong piso.
Dagdag ng opisyal na hindi pa kasal rito ang tinawag na marijuana oil at expired medicines na isinuko ng ilang mga parmasiya batay sa kautusan ng batas.
Kaugnay rito,ikinagalak ng mga dumalo na iba’t-ibang representasyon na tanggapa ng pamahalaan na tuluyang ipinag-utos ng korte na sirain ang nasabing decided na illegal drug cases upang hindi na maibalik sa mercado na tiyak makakasira sa kinabukasan lalo sa hanay ng kabataan ng bansa.