-- Advertisements --

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang kampanyang “Trangkaso Bye-Bye!” upang magbigay ng tamang impormasyon at makaiwas sa trangkaso ngayong panahon ng flu.

Ang mensahe ng DOH na “Maghugas ng Kamay, Trangkaso Bye-Bye! Magpahinga sa Bahay, Trangkaso Bye-Bye! Kumain ng Prutas at Gulay, Trangkaso Bye-Bye!” ay nagpapaalala sa publiko na may mga simpleng paraan para manatiling malusog.

Base sa huling ulat ng DOH, mahigit 6,400 kaso ng sakit na parang trangkaso ang naitala mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025. Ito ay 25% na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.

Kahit walang outbreak, panahon pa rin ng flu sa bansa dahil tag-ulan at malapit na ang Amihan.

Kaya, paalala ng DOH: iwasan ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng pagiging malinis, sapat na pahinga, at pagkain ng masusustansyang pagkain.