-- Advertisements --
Ilang local government units (LGUs) na ang nagsuspinde ng klase sa Lunes, Oktubre 20, dahil sa epekto ng Tropical Storm Ramil (Fengshen) at sa patuloy na pagsasa-ayon ng ilang paaralan na naapektuhan ng mga kalamidad.
Kaugnay nito may ilang LGU rin ang nagpasyang lumipat sa alternative delivery modes (ADM) o online classes upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Narito ang listahan ng mga lugar na magsasagawa ng suspensyon o online setup:
CALABARZON
- Cavite – Carmona, lahat ng antas (pampubliko at pribado)
- Rizal – Montalban, face-to-face classes lamang, lahat ng antas (pampubliko at pribado)
ILOCOS REGION
- Pangasinan – San Carlos City, lahat ng antas (pampubliko at pribado)
WESTERN VISAYAS
- Capiz – Roxas City, lahat ng antas (pampubliko at pribado) hanggang Oktubre 22
CENTRA VISAYAS
- Cebu – Lapu-Lapu City, face-to-face classes lamang, lahat ng antas (pampubliko), pinalawig hanggang Oktubre 25
Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mag-monitor sa mga anunsyo ng kani-kanilang LGU para sa pinakahuling update kaugnay sa suspensyon ng klase.