-- Advertisements --

Ibinunyag sa pagdinig ng Senate Committee on Finance na naapektuhan ng mga alegasyon ng korapsyon sa flood control projects ang ilang programa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Committee on Finance Chairperson JV Ejercito, mula sa P13.576 billion na panukalang budget ng MMDA para sa 2026, P5.884 billion lamang ang inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM).

Kabilang sa mga hindi nabigyang pondo ay ang P300 million para sa Phase 2 ng rehabilitasyon ng Manggahan floodwater channel, at P300 million para sa Phase 20 ng rehabilitasyon ng lower Marikina River.

Ayon naman kay MMDA Chairman Romando Artes, posibleng hindi pinondohan ang mga proyekto dahil konektado umano ang mga ito sa flood control, na ngayo’y iniiwasan matapos mabunyag ang umano’y sabwatan ng ilang opisyal at kontratista sa mga maanomalyang proyekto.

Gayunpaman, sinabi ni Committee on Finance Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na may natitirang mahigit P1 billion ang MMDA para sa flood control, o tinatayang P32 million kada lungsod sa Metro Manila.