Nairehistro ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) ang lima hanggang sampung porsyentong (5-10%) pagtaas ng kaso ng mga influenza-like illness (ILI) sa mga pribadong pagamutan.
Mula pa noong nakalipas na buwan, naitala na ng private hospitals ang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng nagka-trankaso at nagkaroon ng iba pang ILI tulad ng sipon, ubo, at lagnat.
Gayunpaman, malimit aniyang hanggang sa konsultasyon lamang ang ginagawa ng mga nakakatandang kinakapitan nito at pinipiling magsagawa na lamang ng self-medication, lalo na at pawang self-limiting o kusang gumagaling din ang mga naturang sakit.
Tanging ang mga batang may ILI aniya ang pinipiling i-confine sa mga ospital upang agad magamot ang kanilang infection, dahil sa kanilang mababang resistensiya.
Bagaman ‘self-limiting’, umapela si Dr. De Grano sa publiko na huwag balewalain ang mga nararamdamang sintomas ng naturang sakit dahil nananatili pa rin ang posibilidad ng komplikasyon o maaaring hudyat din ito ng mas malalang sakit tulad ng dengue.
Sa kasalukuyan, nananatili aniyang sapat ang espasyo sa mga pribadong ospital sa buong bansa.