Muling bumwelta si Palace Press Officer Undersecretary Claire Casto laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa mga akusasyon nito na kumukwestion sa integridad at kredibilidad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sa isang pahayag diretsahang pinuna ni Usec. Casto ang umano’y mga walang basehang pahayag ni VP Sara na layong sirain ang integridad ng mga taong nasa likod ng imbestigasyon sa ilang isyu ng katiwalian.
Sinabi ni USec Castro,“Kaawa-awa ang mga taong parte ng gobyerno pero hindi nakakatulong sa bayan. Mas lalong kaawa-awa ang mga inihalal bilang public servant pero puro haka-haka lang ang sinasabi para lang makapanira.”
Binanggit din ni Casto ang umano’y kakulangan ng Bise Presidente sa paghaharap ng totoong ebidensya.
Binigyang-diin ni Castro na ang mga tahi-tahing kwento ni VP Sara ay walang halaga at hindi dapat iniintindi pa.
Dagdag pa ni Casto, tila may itinatago si VP Sara kung kaya’t sinusubukang sirain ang integridad ng ICI.
“Ang tanong ni USec Castro: may kinatatakutan ba siyang mabunyag sa ginagawang imbestigasyon? Bakit pilit niyang sinisiraan ang ICI?”
Ipinagtanggol din ng opisyal ang ICI at iginiit na ang mga miyembro nito ay pawang mga eksperto at walang bahid ng pulitika.
“Tandaan natin, ang mga miyembro ng ICI ay puro eksperto, may integridad, at hindi mga politiko. Hindi sila basta-basta matitinag ng paninira,” pahayag ni Castro.
Sa naging pahayag ni VP Sara, hindi na umano kailangan ang ICI lalo at may kapangyarihan umano ang Office of the President lalo at may mga resources ito para ikasa ang case build up laban sa mga sangkot sa katiwalian.
Binanatan ni VP Sara ang bilyon na confidential funds ng Office of the President.
‘Nagbukas sila ng ICI para kung anuman yung investigation report ng ICI, yun na yung official na kwento ng nangyaring korapsyon. At yun ang i-feed nila sa mga tao at sasabihin nila na ito yung kwento at ito yung mga kailangan gawin,” wika ni VP Sara sa isang panayam.