Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) Board of Criminology ang resulta ng February 2026 Criminology Licensure Examination (CLE), kabilang ang kumpletong listahan ng mga pumasa sa top 10 examinees, at performance ng mga paaralan, makalipas ang 26-araw na pagsusuri matapos ang huling araw ng pagsusulit.
Ayon sa PRC, 30,320 sa 45,936 examinees o 66.00% ang nakapasa sa nasabing licensure exam. Dagdag pa rito, ang resulta para sa 54 examinees ay nakabinbin para sa final determination ng kanilang liabilities, at 16 examinees din ang nakabinbin bilang pending sa pagsusumite ng kinakailangang dokumento.

Ang Criminology Board exam ay isinagawa noong Pebrero 4-6, 2026, sa iba’t ibang testing centers sa NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Palawan, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, Bacolod, Bayambang, Bohol, Catarman, Cauayan, Dumaguete, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kidapawan, Lipa (Batangas), Nueva Vizcaya, Romblon, at Naga.
Saklaw ng February 2026 CLE ang Criminal Law and Jurisprudence, Law Enforcement Administration, Crime Detection and Investigation, Forensic Science, Correctional Administration, at Criminology.
Pinakamataas na scorer ngayong exam si Khim Erole Lawyan Batersal ng Lanao School of Science and Technology na may 93.05% passing rate.

Samantala, batay sa bilang ng examinees at passing rate nanguna ang University of Iloilo (96.76% passing rate) na may 200 o higit pang examinees.
Sinundan ito ng Cavite State University (99.25% passing rate) na mayroong 101–199 examinees.
Ayon sa PRC, kabilang ang Criminology Board exam sa mga programang may pinakamataas na bilang ng examinees sa bansa.
Kung saan noong August 2025 CLE, 13,074 sa 25,410 examinees o 51.45% lamang ang pumasa. Nanguna ang Araullo University bilang top-performing school na may 92.80% passing rate.
Samantala, sa February 2025 CLE, 22,245 sa 36,768 examinees o 60.50% ang pumasa. Nanguna ang University of Iloilo bilang top-performing school na may 96.44% passing rate.

Para sa kabuuang listahan mangyari lamang pumunta sa official list of site ng PRC:
https://drive.google.com/file/d/1ip7st0rVgje4OFVYP_yofgRNPvRvGvRn/view?pli=1
















