-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dead on the spot ang mag-live-in partner matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay 21 sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Nakilala ang mga biktima na sina Joshua Madamba, 27-anyos, Barangay Kagawad sa nasabing barangay at ang kanyang live-in partner na si Eloisa Jane Pagadoan Bonilla, 30-anyos at isang Online Accounting Staff habang ang suspek ay may ranggong police corporal, may asawa, taga Badoc, Ilocos Norte at naka-assign sa Ilocos Norte Police Provincial Office.

Ayon sa ina ni Eloisa na si Mrs. Julieta Pagadoan, habang naguusap sila sa kanilang bahay ay may tumigil na motorsiklo sakay ng dalawang nakaboneteng lalaki at inakala nila ay magdedeliver lamang ng parcel, subalit laking gulat nila nung ilabas ng suspek ang kanyang baril at bigla na lamang pinagbabaril ang maglive-in partner na agad nilang ikinamatay.

Nakarekobre ang mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng krimen ng walong empty fired cartridges at dalawang slugs kung saan lumalabas na ang ginamit na baril ay isang caliber 45.

Sinabi ni Police Col. Joemar Labiano, Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office na habang off-duty ng suspek ay hiniram nito ang motorsiklo ng kasamahan niya na na ito ang lumalabas na ginamit niya at ang kasama pa niyang suspek.

Inihayag ni Labiano na tugma ang salaysay ng witness sa mga nakalap nilang impormasyon gaya ng oras ng paglabas ng suspek at footage na nakuha sa CCTV camera.

Sinabi nito na base inisyal na imbestigasion, lumalabas na selos at love triangle ang dahilan kung bakit nagawa ng suspek ang nasabing krimen kung saan ang pulis at ang babaeng biktima ay dati umanong magkarelasyon.

Ayon pay kay Labiano, nang kinausap na nila ang suspek ay hindi na nagtutugma ang mga sinasabi nito.

Dagdag nito na kahit kasamahan pa nila ang suspek ay dapat managot at maibigay ang hustisya sa mga biktima.

Samantala, nasampahan na ng double murder at frustrated muder ang nasabing pulis at nasa kustodiya na ng Ilocos Norte Provincial Jail.