-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos ang naganap na pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan.

Isa sa mga nasawi ay manggagawa ng nasabing pagawaan ng paputok habang ang isa ay resident malapit sa lugar na nagtamo ng matinding pinsalasa katawan sa insidente bago magtanghali nitong Oktubre 22.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kung ano ang sanhi ng nasabing pagsabog.

Inaalam rin ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) kung may permit ba ang pagawaan.

Patuloy din na pinaghahanap ng mga otoridad ang may-ari ng pagawaan na biglang nawala matapos ang insidente.