-- Advertisements --
Personal na nagtungo sa Sweden si Ukrainian President Volodymyr Zelensky para humingi ng mga kagamitang militar.
Kasunod ito sa patuloy na pag-atake na ginagawa ng Russia.
Persona nitong nakausap si Swedish Prime Minister Ulf Kristersson para humingi ng makabagong fighter jets.
Noong nakaraang taon kasi ay kinansela ng Sweden ang pagpapadala ng Gripen fighter jets matapos na naipriorridad ng Ukraine ang F-16 fighter jets ng US.
Una ng nagpadala ang France ng kanilang mga fighter jets para mapalakas ang kanilang depensa.
Plano din ng Ukrainian President na bumisita sa Norway, Belgium at London para makahirit ng dagdag na military assets.