Hindi bababa sa kabuuang P23.8 million ang halaga ang nakumpiskang shabu sa Bacolod City.
Ayon sa Bacolod City Police Office, ito ay resulta ng isinagawang dalawang high impact operation sa lungsod at nagresulta sa pagkaka kumpiska sa nasa 3.5 kilos ng shabu.
Ang unang operasyon ay isinagawa sa isang subdibisyon sa Barangay Estefania, Bacolod City at naaresto dito si alyas Jom.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang 2,500 grams ng shabu na tinatayang may street value na P17 million.
Sumunod na operasyon ay isinagawa sa Purok Lampirong, Barangay 2, Bacolod City kung saan naaresto si alyas Robert.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang nasa isang kilo ng shabu na tinatayang nasa P6.8 million ang halaga.
Ang parehong suspect ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Patuloy naman ang isasagawang operasyon ng Bacolod City Police Office kontra ilegal na droga sa kanilang area of responsibility.