-- Advertisements --

Palaging bukas ang Senado sa mga panawagan na gawing mas transparent sa publiko ang pagsusuri sa pambansang badget sa bicameral conference committee. 

Ito ang inihayag ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., sa gitna ng lumalakas na panawagan mula sa civil society groups sa ilalim ng kampanyang #OpenBicam, na ipinanawagan ang reporma sa pagsasagawa ng bicam—partikular sa panukalang pambansang badyet at mga priority bills. 

Ayon sa kalihim, mayroong pananagutan ang dalawang kapulungan ng Kongreso na tiyaking bukas at malinaw ang proseso, alinsunod sa tuntunin ng Konstitusyon na ang public office ay mapagkakatiwalaan ng publiko. 

Dahil dito, may karapatan aniya ang ating mga kababayan na malaman kung paano ginagastos ang kanilang pera. 

Ang kanilang aktibong pakikilahok aniya ay nakatutulong upang masigurong tapat at may pananagutan sa taumbayan ang kanilang iniluklok na opisyal.