Aabot sa mahigit P4-milyong halaga ng drogang ecstasy at heroin ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon sa BOC ,nakumpiska nila ang P4.43 milyong halaga ng droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Naharan ang anim na parcels sa Central Mail Exchange Cneter ng paliparan kung saan ng buksan ay tumambad ang 1,330 na tableta ng ecstasy at 362 gramo ng heroin.
Dagdag pa ng BOC na na ang nasabing iligal na droga ay galing sa Ireland, the Netherlands at Thailand kung saan ito ay idineklara bilang mga skincare products at plumbing materials.
Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang operasyon ay dahil sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Ipinasakamay na ng BOC ang mga iligal na droga sa PDEA habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.