-- Advertisements --

Muling ibinalik sa Pakistan matapos ang 19- na taon na pagbabawal ang sikat na kite festival.

Nakatayo sa bawat bubungan ang mga tao para magpalipad ng sarangola sa Lahore City.

Ang nasabing piyesta ay nagsisimula tuwing malapit na ang tag-init kung saan ito ay ilang dekada ng ipinagdiriwang.

Ipinagbawal ito noong 2007 dahil sa maraming mga naitalang aksidente gaya ng mga pagkakakuryente, pagkahulog at ilan pa.

Para maging ligtas ngayon ang festival ay nilimitahan na lamang nila ito ng tatlong araw.