-- Advertisements --

Tuluyang tinanggal ng Land Transportation Office (LTO) ang mga lisensiya ng 10 bus drivers at walong conductors mula sa pangunahing bus companies dahil sa pagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay LTO chief Atty. Vigor Mendoza, na ipinapatupad lamang nila ang nakasaad sa Republic Act 10586, the Anti-Drunk and Drugged Driving Act, at RA 4136, the Land Transportation and Traffic Code na nagbabawal sa tao na magmaneho mga sasakyan na gumagamit ng iligal na droga.

Dagdag pa nito na ang 10 bus drivers at anim na conductors ay galing sa Victory Liner ang nagpositibo sa iligal na droga habang ang dalawang conductors ay mula sa Solid North Transport.

Giit ni Mendoza na ang mga ito ay tuluyan ng hindi makakakuha pa o diskwalipikado na mag-apply ng kanilang driver’s license.

Magugunitang pinaigting ng LTO ang security measures matapos ang pagdami ng mga naitatalang aksidente sa kalsada.