-- Advertisements --

Muling haharap ang mga motorista sa mas mataas na gastusin sa petrolyo ngayong linggo matapos mag-anunsyo ang ilang kumpanya ng langis ng panibagong taas presyo ng produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso nitong Lunes, ang taas presyo ay maaring umabot sa:

  • Gasoline: P0.60 kada litro
  • Diesel: P1.00 kada litro
  • Kerosene: P0.60 kada litro

Epektibo ang mga bagong presyo sa dakong alas-6 ng umaga ng Martes, Pebrero 10, at alas-4:01 ng hapon sa parehong araw sa ilang kumpanya ng langis.

Ito na ang ikalimang (5) sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ikapitong magkakasunod na linggo naman para sa diesel at kerosene.

Wala pang anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis kaugnay ng kanilang price adjustments para sa linggong ito.

Nauna nang inihayag ng Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na posibleng maging mag-iba ang galaw ng presyo ng langis, bunsod ng mga senyales ng pagluwag ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, inaasahang sapat na global oil supply, at humihinang demand dahil sa mas mild na panahon sa Amerika.