Pag-aaralan at babasahin pa ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang accomplishment report na isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, natanggap na ng Office of the President ang report sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary.
Sinabi ni Castro, pag-aaralang mabuti ng Pangulo ang resulta ng naging trabaho ng ICI na binuo para imbestigahan ang maanomalyang flood control projects.
Nabatid na kabilang sa nilalaman ng 125-day accomplishment report ng ICI ang 9 na referral sa Office of the Ombudsman para sa 65 indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Hindi naman masabi ni Castro kung nagkausap na sina Pang. Marcos at ICI chairman Andres Reyes.
Una nang sinabi ng Palasyo na ipinauubaya ng Pangulo ang kapalaran ng ICI sa pagdedesisyon ng mismong komisyon dahil sa pagiging independent body nito.










