-- Advertisements --

Nakalikom ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P422.378 bilyon noong Abril 2026, lumampas sa target ng P12.776 bilyon o 3.12%.

Tumaas din ang kita ng ahensya ng P551.11 milyon kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Nagpatuloy ang malakas na performance kahit na inilipat ang deadline ng Annual Income Tax Return (AITR) upang bigyan ng mas mahabang panahon ang mga taxpayer.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, bunga ito ng mas pinaigting na kampanya at mas mataas na kumpiyansa ng mga nagbabayad ng buwis.

Mula Enero hanggang Abril 2026, umabot sa P1.155 trilyon ang kabuuang koleksyon, mas mataas ng P39.972 bilyon kaysa sa parehong panahon noong 2025.

Naniniwala ang BIR na nasa tamang landas sila upang maabot ang taunang revenue goal at inaasahang magiging positibo rin ang koleksyon sa Mayo.