Ipinauubaya na ng Malacañang sa House of Representatives ang anumang magiging desisyon kaugnay ng mpeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Itoy matapos inakyat na sa plenaryo ang committee report na nagbabasura sa reklamo laban sa punong ehekutibo.
Ayon kay Palace Press Officer,Undersecretary Claire Castro, iginagalang ng Pangulo ang proseso sa Kamara at umaasang ibabatay ng mga mambabatas ang kanilang magiging pasya sa ebidensiyang natalakay sa justice panel.
Bagama’t binibigyang-diin ng Konstitusyon na maaaring umusad ang isang impeachment complaint kapag nakakuha ito ng hindi bababa sa one-third na boto ng plenaryo ng Kamara.
Nanindigan ang Palasyo na kumpiyansa ang pangulo na wala siyang ginawang impeachable offense.
Ayon pa kay Castro, umaasa si Pangulong Marcos na kahit itinuturing ng ilan ang impeachment bilang isang political tool, mananaig pa rin ang patas na paghusga batay sa mga ebidensiya at talakayang isinagawa sa komite.
















