-- Advertisements --

Ipnagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang patuloy na pagtaas ng mga drug operations nila sa bansa.

Sinabi ni PDEA director General Isagani Nerez, na sa loob lamang ng isang linggo ay nakakumpiska sila ng mahigit P1-bilyong halaga ng iligal na droga.

Sa magkakaibang operasyon ay nakaaresto sila ng aabot sa 91 na mga drug suspeks.

Dagdag pa nito na ang operasyon ay hindi lamang target ang mga malalaking katao at maging ang mga nasa street-level na drug dealers.

Tuloy-tuloy din ang panawagan nila sa publiko na isumbong sa kanilang opisina ang mga nagaganap na drug operations sa kanilang lugar.