-- Advertisements --
Nagpasya ang organizers ng Los Angeles 2028 Olympic at Paralympic Games ng venue naming rights.
Ang nasabing hakbang na kauna-unahan sa kasaysayan ng Olympics ay aprubado ng International Olympic Committee (IOC).
Sa nasabing hakbang ay papayagan ang mga kwalipikadong partners ng LA28 na mapanatili ang pangalan sa venue at habang sa kasagsagan ng laro ay maari pa rin silang bumili ng marketing assets.
Binuksan din ng organizers ang naming rights sa hanggang 19 temporary venues para sa worldwide Olympic partners at LA28 sponsors.
Sinabi ni LA28 chair Casey Wasserman na isang malaking pagkakataon na maisagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang nasabing programa.