-- Advertisements --

Pinagbawalan na ng International Olympic Committee (IOC) si Ukrainian skeleton racer na si Vladyslav Heraskevych na lumahok sa Winter Olympics.

Kasunod ito ng paggamit niya ng helmet na may imahe ng mga atleta na nasawi dahil sa giyera sa Ukraine.

Ayon sa IOC na naiintindihan nila ang pinagdadaanan ni Heraskevych subalit ang ginawa nito ay labag sa panuntunan ng IOC.

Tiniyak naman ni Heraskevych na kaniyang iaapila ang nasabing ban sa kaniya.

Magugunitang kumalat ang video ni Heraskevych noong ito ay nagsasanay kung saan makikita sa helmet nito ang mga larawan ng mga nasawing atleta gaya nina weightlifter Alina Perehudova, boxer Pavlo Ischenko, ice hockey player Oleksiy Loginov, actor at athlete Ivan Kononenko, diver and coach Mykyta Kozubenko, shooter Oleksiy Habarov atdancer Daria Kurdel.