Naghahanda ang malaking bahagi ng California dahil sa inaasahang pagtama ng malakas na bagyo
Ayon sa National Weather Service (NWS) nasa 11 milyong mga residente ng California ang maaapektuhan ng nasabing bagyo.
Ilang mga residente ng Palisades, Sunset at Hurst area ang pinalikas na.
Magdadala ng lakas ng hangin ng hanggang 60 miles per hour ang nasabing bagyo na posibleng maging tornado.
Hinikayat naman ni Los Angeles Mayor Karen Bass ang mga residente na sumunod sa mga ipinapatupad na nilang kautusan ukol sa pagdating ng malakas ng bagyo.
Magdudulot naman ng malawakang pagbaha ang bagyo sa bahagi ng Bay Area sa San Francisco.
Sa pagtaya rin ng mga meteorologist na magdadala ang nasabing bagyo ng lima hanggang walong talampakan ng yelo sa Sierra Nevada.
Sa araw pa ng Huwebes ay inaasahan na tuluyang lalayo ang bagyo sa bahagi ng California.
















