-- Advertisements --
Nakauwi na sa US si Olympic ski legend Lindsey Vonn.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang pagbabalik sa US matapos ang aksidente sa kasagsagan ng Winter Olympic.
Sinabi nito na patuloy ang kaniyang pagpapagaling kung saan hindi pa niya kayang maglakad.
Magugunitang dinala sa pagamutan si Vonn matapos ang aksidente sa downhill event.
Sumailalim ito sa ilang uri ng operasyon at pinayagan na siyang makabiyahe ng mga doktor kaya nakauwi na siya.
Pinasalamatan ng 41-anyos na 4-time Olympic medalist ang mga Italian medical staff na tumulong sa kaniya para sa kaniyang paggaling.















