turkey erdogan
Turkey President Recep Tayyip Erdogan

Nagbabala ang Turkey na hindi pa rin ito aalis sa Syria hanggang ang ibang mga bansa ay umalis na ito.

Sinabi ni Turkey President Tayyip Erdogan, na hanggang mayroon pang mga natitirang terorista ay magpapatuloy ang kanilang opensiba sa border nila ng Syria.

Kapag tinanggal na aniya ng ibang bansa ang kanilang puwersa sa lugar at matukoy na na wala ng mga Kurdish fighters ay doon na rin sila aalis.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay naglunsad ang Turkey ng opensiba sa mga Kurdish militant sa border nila ng Syria ng tanggalin ng US ang kanilang mga sundalo.