-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ng Ukraine ang palitan ng mga bihag sa pagitan nila ng Russia.

Ayon kay Ukrainian military intelligence chief Kyrylo Budanov, na walang katotohanan ang ipinapakalat ng Russia na umatras na sila sa kasunduan na gaganapin sa mga susunod na araw.

Dagdag pa nito na walang dahilan para ipagpaliban ang palitan nila ng mga bihag na sundalo na 6,000 na mga sugatan at may sakit.

Una rito ay ikinabahala rin ng Russia ang hindi pagtuloy ng prisoners swap dahil sa mga nagaganap na drone strike sa dalawang panig.

Magugunitang nakatakdang magsagawa ng pag-uusap ang dalawang panig kung saan pinangunahan ito ng US para matigil na ang mahigit tatlong taon na labanan.