-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na plano nilang tanggalin ang sanctions sa Syria.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa kaniyang pagbisita sa Saudi Arabia.

Ayon kay Trump na ang desisyon ay matapos na mapatalsik sa puwesto si Syrian President Bashar al-Assad .

Dagdag pa ng US President na dahil wala na sa pamumuno si Assad ay mabibigyan na ang mga mamamayan ng Syria para magtagumpay.

Magugunitang noong nakaraang Disyembre ng pinatalsik si Assad dahil sa mga alegasyon ng kurapsyon.