-- Advertisements --
Nagpahayag ng kahandaan ang Ukraine na makaharap ang Russia para tuluyan ng matapos ang mahigit tatlong taon na labanan.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky , na gaya ng napagkasunduan nila ni Turkish President Recep Tayyip na magpapadala ito ng delegasyon.
Tiniyak din ng Russia na mayroon silang delegasyon na ipapadala para tuluyan ng maipatupad ang usaping pangkapayapaan.
Bilang respeto aniya sa Turkey at US ay mararapat na tumugon na rin ang Russia.
Umaasa naman ang Ukrainian President mapapatawan ng mabigat na sanctions ang Russia kapag bigo itong dumalo sa usaping pangkapayapaan.
Magugunitang una ng binisita ni Trump ang Qatar, Abu Dhabi at ang huli ay ang UAE para makalikom ng ilang bilyong dolyar na investment.