-- Advertisements --

Nagsagawa ng pinakamalaking palitan ng bihag ang Russia at Ukraine.

Aabot sa 270 na mga sundalo at 120 sibilyan ang pinakawalan ng dalawang panig.

Ito na ang pinakamalaking prisoners swap mula ng magsimula ang labanan noong 2022.

Nangyari ang prisoners swap matapos ang ginanap na pag-uusap ng mga kinatawan ng bansa sa Istanbul, Turkey noong nakaraang mga linggo.

Sa naganap kasi na pag-uusap ay nagkasundo ang dalawang panig na magpalitan sila ng 1,000 na mga bihag nila kaya asahan na sa mga susunod na linggo ay magkakaroon ng panibagong palitan ng bihag.

Agad na pinasuri sa pagamutan ang mga napalayang bihag bago ang pakikipagkita nila sa kani-kanilang mga pamilya.