-- Advertisements --

Pinabagsak ng US military ang isang Iranian drone na lumapit sa kanilang aircraft carrier sa Arabian Sea.

Ayon kay US Central Command (CENTCOM) spokesperson Tim Hawkins, ginamit nila ang isang US fighter jet mula sa USS Abraham Lincoln para pabagsakin ang drone.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagprotekta sa kanilang aircraft carrier at mga personnel na nakasakay.

Isang uri ng Shehed-139 drone ang pinabagsak ng F-35C Fighter jet mula sa Lincoln sa bahagi ng Timog karagatan ng Iran.

Nangyari ang insidente kung saan magpapadala na rin ang Iran ng kanilang kinatawan para magkaroon ng mapayapang pag-uusap sa US.

Una ng sinabi ni Trump na handa silang atakihin ang Iran kapag hindi tumigil sa paggawa ng nuclear at kapag tumaas ang bilang ng mga nasasawing protesters dahil sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya.