Hindi isinasara ni Senadora Risa Hontiveros ang posibildad na sumapi sa minority bloc ng Senado na posibleng buuin ng veteran bloc sa 20th Congress.
Magugunitang sinabi ni Senador Juan Miguel Zubiri, na handa silang pamunuan ang minorya sakaling hindi manalo si Senador Tito Sotto bilang Senate President.
Bukas din aniya silang i-adopt si Hontiveros lalo’t mukhang hindi na raw makakasama ng senadora sina senador kiko pangilinan at bam aquino.
paliwanag ni hontiveros, ang mga pahayag na ito ay isinasama raw niya sa pagtimbang kung saang bloke siya sasapi.
gayunpaman, ang kanyang pinal na desisyon aniya ukol sa grupo na sasamahan ay sa pagbubukas pa ng sesyon sa hulyo 28.
Una nang nilinaw ni Hontiveros na wala siyang nararamdamang pagtataksil sa gitna ng mga ulat na sasapi sa majority bloc ng Senado ang kanyang mga alyado na sina Senators Pangilinan at Aquino.
Tatanggapin niya raw anuman ang magiging pasya ng kanyang mga kasamahan kung saan binigyang-diin nito na sa kabila ng lahat ng ito, patuloy niyang palalakasin ang hanay ng oposisyon.
Sa ngayon patuloy pa rin daw ang pag-uusap nila nina Senators Aquino at Pangilinan kung ano ang kanilang magiging komposisyon sa Senado pagpasok ng 20th congress.
Ngunit, kung ano man aniya ang magiging pasya ng kanyang mga kasamahan ay gagalangin niya ito.