-- Advertisements --

Natapos na ang kauna-unahang pag-uusap ng Russia at Ukraine.

Sa isinagawang pag-uusap ng mga kinatawan ng dalawang bansa na ginanap sa Turkey ay natalakay ang tuluyan ng pagtatapos ng mahigit na tatlong taon na kaguluhan.

Ilan sa mga napagkasunduan ay humirit ang Russia na matatapos lamang ang kaguluhan kapag ibigay ng Ukraine ang lupain na kanilang kinokontrol.

Matapos ang nasabing pag-uusap ay tinawagan ng mga lider ng United Kingdom, France, Germany at Poland sina Ukrainian President Volodymyr Zelensky at US President Donald Trump.

Kinontra ng mga bansa ang hiirt ng Russia at tinawag itong hindi katanggap-tanggap.

Naniniwala naman ang mga opisyal ng Turkey kung saan ginanap ang pag-uusap na maaring susunod ng isasagawa ang personal na paghaharap nina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian Pres. Zelensky.

Una ng sinabi ni Trump na hindi lubos na magkakaroon ng ceasefire hanggang tuluyan niyang makakausap si Putin.