-- Advertisements --
Dumating na sa Turkey si US Secretary of State Marco Rubio para mamagitan sa pag-uusap ng Russia at Ukraine.
Bago ang nasabing pag-sulong ng ceasefire deal ay mayroon itong gagawing informal meeting sa mga North Atlantic Treaty Organization (NATO) foreign ministers.
Nakatakda rin itong magsagawa ng pulong kay Syrian Foreign Minister Asaad Al-Shaibani.
Una ng sinabi n Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magtutungo lamang ito sa Turkey kung may katiyakan na dadalo din si Russian President Vladimir Putin.
Magugunitang isinusulong ng US ang usapang pangkapayapaan para matapso na ang mahigit na tatlong taon na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.