Reading Time: 1 minute

Nagsimula ng magpatupad ngayong 6 a.m. ng bawas presyo sa kanilang produkto ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Mayroong P0.10 ang ibabawas sa kada litro ng diesel at gasolina.

Habang mayroong P0.15 sa kada litro ang ibabawas sa kerosene.

Isa sa itinuturong dahilan nito ay ang patuloy na trade war sa pagitan ng US at China.