Inaasahang muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang dalawang sunod na linggong rollback, ayon sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis.
Base sa kumpanya ng langis, maaaring tumaas ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro ng diesel at 0.60 hanggang P0.80 kada litro ang gasolina.
Ito ay bunsod ng pagtaas ng demand sa pandaigdigang merkado at epekto ng desisyon ng OPEC+ na dagdagan ang suplay ng langis.
Kabilang din sa mga salik ang bumababang produksyon sa Amerika, kaguluhan sa Red Sea, at pangambang dulot ng mga bagong taripa ng Amerika.
Sa kabila nito, nagkaroon pa rin ng rollback ngayong linggo: P0.70 sa gasolina, P0.10 sa diesel, at P0.80 sa kerosene.
Ang pinal na anunsyo ng taas-presyo ay inaasahang ilalabas sa Lunes at ipapatupad sa Martes.