-- Advertisements --

Nakatakdang magpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produkto sa susunod na linggo.

Base sa apat na araw na monitoring ng Department of Energy (DOE) na asahan ang pagbawas ng hanggang P1.20 sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong hanggang P1.70 na bawas sa kada litro.

Ang kerosene naman ay inaasahang magbabawas ng hanggang P1.75 sa kada litro.

Isa sa mga nakikitang dahlan ng DOE ng bawas presyo ay ang nakatakdang pag-aayos na ng Russia at Ukraine.

Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo kung saan ito ay ipapatupad sa araw ng Martes.