-- Advertisements --
Magpapatupad ng P1.20 kada litro na dagdag-presyo sa gasolina ang ilang kompanya ng langis sa Martes, Disyembre 9, 2025.
Epektibo ang taas-presyo bukas ng ala-6 ng umaga, magpapatupad ng adjustment.
Wala namang pagbabago sa presyo ng diesel at kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng gasolina at ang ika-34 na dagdag-presyo ngayong taon.
Samantala sa Metro Manila, aabot na sa P52.95 hanggang P73.09 kada litro ang presyuhan ng gasolina matapos ang kaliwa’t kanang taas-presyo.
















