-- Advertisements --

Walang ipapatupad ang Department of Transportation (DOTr) na taas pasahe sa mga pampasaherong jeep ngayong taon.

Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, na sinalanta ng bagyo ang maraming kababayan kaya marapat na hindi muna ipatupad ang hirit ng mga transport group na taas pasahe.

Noong nakaraang linggo kasi ay isinumite ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang rekomendasyon sa DOTr tungkol sa petisyon ng transport groups na humihirit ng taas pasahe mula P13 ay magiging P14 para sa mga traditional jeepneys.

Habang mula naman sa P15 ay magiging P16.00 ang itataas na minimum para sa modern jeeps.

Giit ng kalihim na noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng rollback sa presyo ng langis at ang pagtaas ng pasahe ay may malaking epekto sa ekonomiya.

Maraming kababayan din aniya natin ang kasalukuyang nagrerekober mula sa pagdaan ng bagyo at lindol.

Para maibsan ang bigat ng pampasaherong drivers ay hinigpitan ng DOTR ang kampanya nila laban sa kolurom.